By Ara Mae Maico
Nagsagawa ang Abuyog Community College ng isang symposium na pinamagatang “Sports Clinic on Coaching and Officiating” bilang preparasyon at pre-opening program sa paparating na Intramurals sa ACC Evacuation Center kahapon, ika-22 ng Abril 2023.
Nagsimula ito alas otso pa lamang ng umaga sa pangunguna ng Sports and Athletic Unit kasama ang Supreme Student Council na dinaluhan naman ng mga atletang estudyante, coaches at mga bisita.
Layunin ng nasabing symposium na ipaalam sa mga atleta at kani-kanilang mga coach ang ilang mahahalagang impormasyon pagdating sa larong basketball.
Bilang resource speaker, ibinahagi ni Mr. Gil L. Alfone, Basketball Association of the Philippines Regional Commissioner, ang kanyang mga kaalaman sa larong basketball tulad ng kung sino-sino lang ang dapat kasali sa laro, mga teknikal na bahagi ng laro, mga materyales na kailangan at iba’t-ibang uri ng foul.
“In sports, it’s not the winning that matters but more on how you play the games,” saad ni Mr. Alfone bago sinimulan ang pagtatalakay sa larong basketball.
Sa panayam naman ng The Honeycomb Campus Media sa ilang mga estudyanteng dumalo, ibinahagi nila ang kanilang natutunan sa ginanap na symposium.
“The valuable information for me is how to officiate and how to be a best coach in each team,” sagot ni PJ Carawana, BS Criminology 4.
Samantalang “camaraderie” naman ang binigyang diin ni Izy Mae Esplanada, BS Information Technology 2 na kanyang natutunan sa symposium.