๐ฃ๐ฎ๐ป๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฒ๐บ, ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ผ๐ป: ๐ฃ๐ฎ๐๐๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ฎ ๐ ๐ผ!
Muli na namang nagbukas ang panibagong kabanata ng ating paglalakbay bilang mga ACCians. Kasabay ng pagbabalik-eskwela ngayong araw (ika-17 ng Pebrero) ay ang pag-asang dala ng bagong semestreโisang pagkakataon upang patunayan ang ating kakayahan, harapin ang mga hamon, at ipakita ang ating determinasyon sa pag-abot ng ating mga pangarap.

Sa bawat pahina ng ating akademikong buhay, hindi maiiwasan ang pagod, hirap, at minsan, pagkadismaya. Ngunit sa bawat pagsubok na ating nalalagpasan, mas lalo tayong tumatatag.
Ang pagkakamali ay hindi katapusan kundi isang hakbang patungo sa mas matibay na pundasyon ng ating tagumpay. Ngayong semestre, gamitin natin ang ating mga karanasan bilang inspirasyon upang mas pagbutihin ang ating sariliโmas mag-aral nang mabuti, mas maging bukas sa bagong kaalaman, at mas maging matatag sa bawat hamon.
Sa bawat guro na patuloy na gumagabay, sa bawat kaklaseng nagsisilbing katuwang, at sa bawat pangarap na ating inaasam, tandaan natin: Kaya natin ito!
Ang bagong semestre ay hindi lamang isang panibagong yugto kundi isang panibagong pagkakataon upang ipakita na tayo ay may kakayahang magtagumpay.
ACCians, ipagpatuloy natin ang ating pagsisikap! Panibagong sem, panibagong pagkakataonโpatunayan na kaya mo!