Kalahok sa Mr. & Ms. ACC 2023 Nagningning
ni Rose Ann Villote
Oktubre 26, 2023- Nagbakas ng kariktan at kinang ang mga kandidato at kandidata sa pagkamit ng korona para sa prestihiyosong Mr. and Ms . ACC 2023 ng Abuyog Community College na naganap sa Abuyog Municipal Gymnasium.
Bahagi ng maringal na pagdaraos ng 44th Founding Anniversary , nagpasiklaban ng talento , ganda , at talino ang sampung kinatawan ng iba’t ibang departamento na sina; G. Edward Josh M. Junio at Bb. Ashley A. Oribe ng ACC Senior Highschool Department , G. Johnro Herbas at Bb. Andrea Amago ng College of Arts, Sciences & Education, G. Jerome Dariguez at Bb. Norbelita Moreno College of Criminal Justice Education, G. John Victor Lopez at Bb. Janelle Myers ng College of Hospitality Management and Entrepreneurship, at G. Nicco Jay Barcelon at Bb. Imee Agosto ng College of Information Technology Education.
Bago pa man ang nasabing koronasyon nagpasiklaban na ang mga kandidato’t kandidata upang maisungkit ang mga parangal tulad ng Mr. and People Choice Award, Mr. and Ms. Photogenic, Mr. and Ms. Congeniality, Mr. and Ms. Pay Maya, Mr. and Ms. Eloquence, Best in Philippine Terno, Best in Casual Wear, Best in Production Number, Best in Talent, Best in Advocacy, at Best in Uniform.
Nagsimulang umapaw ang dagsa ng mga naglalakihang bisita kabilang na ang mga respetadong kinatawan ng institusyon at ang mga hurado na binubuo nila; Ms. Francine M. Quirino, Mr. Jericho Tan , Mrs. Marjorie Montallaña, Ms. Trisha Gabrielle Moreto at ang Chairman of the Board of Judges, Mr. Louie Taña.
Napuno ng hiyaw ang bawat sulok ng entablado ng magsimulang rumampa’t magpakilala na ang mga kandidata’t kandidato suot ang mga magarbong kasuotan at kompyansa sa sarili sa pagbabahagi ng kanilang talento na nagpamangha sa mga manonood na mas nagpaigting sa suporta ng kanilang pambato.
Bumuhos naman kalaunan ng husay sa pagsagot ang mga kandidato’t kandidata sa pagsalang nila sa Q & A portion na nagpa-init sa kompetisyon at nagpatunay sa kanilang determinasyon at talino na mailahad ang kanilang opinyon sa mas komprehensibong pag-unawa sa mga katanungan.
Nagmarka sa puso ng hurado ang kinatawan ng CITE na si G. Nicco Jay Barcelon at ang kinatawan ng SHS Department na si Bb. Ashley Oribe upang koronahang bagong Mr. and Ms. ACC 2023.
“Let us embrace the power of education through Abuyog Community College, we can create a brighter and more valued world, with knowledge as our tool, and unity as our strength, we can share a future that is inclusive, just, and sustainable.” panalong sagot ni Barcelon.
“We should give importantce that teachers cannot replace by social medias, and students must not rely in social media in terms of learning. We are knowledgeable enough, be the motivation that acquire knowledge.” prangkong husay na sagot ni Oribe.
Naiuwi din ni G. Barcelon ang samo’t saring parangal na Mr. Congeniality, Mr. Pay Maya, Best in Casual Wear, Best in Advocacy, at Mr. Eloquence, habang nakuha naman ni Bb. Oribe ang mga parangal na Ms.Pay Maya, Best in Advocacy, at Ms. Eloquence.
Sa huli, itinanghal naman sina John Victor Lopez (COHME) at Andrea Amago (CASE) bilang 1st runners-up, Jerome Dariguez (CCJE) at Janelle Myers (COHME) 2nd runners-up, Johnro Herbas (CASE) at Norbelita Moreno (CCJE) 3rd runners-up, Edward Josh Junio (SHS) at Imee Agosto (CITE) 4th runners-up.